Kung naiiyak ka, sige lang umiyak ka, ilabas mo yang sama ng loob mo sa kanya, sa ginawa niya sayo. Huwag mong pigilin, huwag mong tiisin. Kung gusto mong punitin lahat ng loveletters na binigay niya sayo, sige lang. Kung gusto mong sunugin lahat ng binigay niya sayo, walang pipigil sayo. Kung yan ang makakapagpagaan ng loob mo, sige lang, gawin mo.
Pero pagkatapos ng lahat ng yan, tumayo ka ha? Tumingin ka sa salamin at punasan ang luha sa mukha mo, at sabihin mo sa sarili mong, “LAKASAN MO ANG LOOB MO, KAYA MO YAN! IKAW PA?! NABUHAY KA NOON NG WALA SIYA, KAYA MO RING MABUHAY NGAYON NG WALA SIYA”.
Magiging ok din ang lahat, sinisiguro ko yan sayo. Hindi muna siguro ngayon, kung gaano katagal? Hindi natin masabi, pero darating ka dun sa ayaw at sa gusto mo. Maraming tao ang mas masakit pa ang pinagdaanan kumpara sa pinagdadaanan mo ngayon pero nakaya nila. Kaya sisiw lang yan, ok?
Malalagpasan mo yan. Kaya mo yan! Lakasan mo lang ang loob mo. Trust me. :)
No comments:
Post a Comment