Sunday, August 21, 2011

Sulat para sa isang kaibigan…

Kaibigan,
        Alam kong mabigat ang pinagdadaanan mo ngayon at kahit anong gawin kong pag lagay ng sarili ko sa kinalalagyan mo, hindi ko parin maintindihan kung gaano kasakit ang nadarama mo… basta alam ko masakit…nakikita ko sa mga mata mo yan… At hindi ko alam kung maayos ang lahat…
        Nasasaktan akong nakikita kang nagkakaganyan…  Gusto kong pagaanin ang pakiramdam mo… Pero di ko alam kung paano… Kung pwede lang na literal na kargahin ko ibang bigatin mo para share tayo pero di yun magkakatotoo…
          Pero gusto ko lang ipaalala sayo na kung gusto mong umiyak… ito ang balikat ko… simutin mo lahat ng luha hanggang gusto mo… Yayakapin kita… Makikinig ako… At kung matatawa ka papatawanin kita sa korni kong mga jokes… at kung meron akong sagot sasabihin ko yan para maibsan ang wasak mong damdamin….
         Gusto ko lang malaman mong nandito ako… :) hindi man palagi dahil maaaring mawala ako balang araw… Pero ngayon… habang nandito ako “habang pwede pa”.. at pangako hanggang sa PWEDE PA… lagi akong nandito… para ikulong ka sa bisig ko handang maging unan mo pansamatala hanggang sa “sana” mapawi na ang yong mga luha…
P.S lagi kang kasama sa mga dasal ko…
Nagmamahal,
Ako

*from http://yengconstantino.tumblr.com/page/3*

No comments:

Post a Comment