Sa daming beses ko na sumasakay ng jeep, eto na ang mga napansin kong uri ng driver.
- May lakad - Eto ung mga malafinal destination kung mag drive. Harurot kung harurot e. Mga kaskasero. Nakakainis sumakay dito kasi di mo malalaman kung masisinagan ka pa ng araw o makakauwi ka pa ng buhay kaya dapat kapag ganto ang sasakyan mo, magdasal ka na!
- Jejemon - Dito naman ay ung mga driver na wagas magpatugtog. Yung kakabog talaga ung dibdib mo sa lakas nung beat tapos ang madalas na tugtog ay ung mga tagalog rap o kaya ung mga tinagalog na kanta. Sasakit ang ear drums mo dito at pagbaba para kang binge.
- Bingi - Eto ung mga driver na kapag magbabayad ka ay ang lakas ng pandinig kahit may malakas na tugtog pero kung hihingi ka ng sukli ay kelangan mo ng megaphone para lang mapansin ka o kaya kelangan pa sumigaw ng mga iba pang pasahero.
- Masunurin sa rules kunwari - Yung mga driver na kapag may sasakaya ay kahit saan pwede pero kapag kelangan mo na bumaba ay ssabihin nila, “Hindi po pwede magbaba dito blah blah blah” Ay wow kuya, ang baet mo ata porket walang sasakay.
- Mabuting ehemplo - Edi eto ung mga sure na wala kang problema. Sure na walang ingay na nilalagay at hindi kaskasero pati sumusunod talaga sa rules at tama magsukli at maningil ng pamasahe.
- Feeling unli ang upuan sa jeep nila - Eto ung mga driver na pasakay ng pasakay. Yung sisigaw ng dalawa nalang at kapag may pumasok ay dalawa pa din ang sigaw. Basta kahit siksikan na ay sige parin. Sasabihin maluwag pa. Ay san banda? Sa bubong? Sa gulong? (maraming ganito sa MSU).
No comments:
Post a Comment