Monday, December 26, 2011

Expectation/Reality Ngayong Pasko

Expectations:
  • Pupunta sa mga Ninong at Ninang para humingi ng aginaldo.
  • Maiingay na tugtugan ng Christmas Carols.
  • Maraming pagkain.
  • Masayang kapiligiran.
  • Maraming tao sa paligid mo, nagkakasiyahan ang lahat.
  • Aayain kang lumabas ng mga barkada mo.
  • Buong tropa mo ay pupunta sa Mall para magsaya.
  • Magagandang Regalo galing sa Magulang mo.
  • Hindi mo maiisip ang anumang lumbay sa isip mo.
Reality:
  • Tahimik ang kapaligiran, para bang mag-isa ka lang. (Mag-isa talaga)
  • Wala kang naririnig na tunog, sobrang tahimik, ang tanging naririnig mo lang eh ang ugong ng aircon o ang motor ng electric fan. (Electric fan at nakabukas na TV na hindi ko naman pinapanood)
  • Hindi umabot sa Quota na limandaan ang napamaskuhan mo. (Wala nga eh)
  • Walang tropang nag-ayang lumabas sayo. (Wala, sa sobrang busy nila, nakalimutan akong imbitahin sa birthday ni Cocong)
  • Hindi ka makapunta ng mall dahil sa wala kang pera at alam mong maraming tao. (Tama)
  • Wala kang regalong natanggap sa magulang mo. (Mga bagong gamit, chokz na yun)
  • Halos hindi nagluto ang magulang at umorder na lang ng pagkain sa Mcdo, Jolibee, Bucket Meal sa KFC. Pero ang gusto mo talaga eh Queso De Bola at Hamonado. (Maraming pagkain pero gaganahan ka bang kumain kung mag-isa ka lang?!)
  • Nalulungkot ka dahil sa araw mo ng Pasko naramdaman ang lumbay na hindi mo nararamdaman noon. (Agay, Maninuod man!)
Ewan ko sobrang laki ng expectation ko ngayong Pasko. Nagulat ako at sobrang na dissapoint akong ganito ang nararamdaman ko. Sabi ko lagi maging masaya, pero sobrang boring nitong nangyari. Ang tahimik, walang christmas sounds, walang namamasko. Para bang normal na araw lang. Ibang iba sa mga nakaraan na pasko dati. 

Ang tahimik…. Sobrang tahimik…. May sariling mundo ang lahat ng tao ngayon. Kaasar lang.

No comments:

Post a Comment